Archive for March 29, 2009
stage 2

Ang hirap! Second module na ako ngayon sa animation class ko. Ngayon ay tinuturo na samin ang pag-render at pag-texture. Ito yung paglalagay ng kulay sa mga 3D models para magmukang totoo o magkaroon ng design. Bad trip. Hindi ko maintindihan. Maliban sa dapat magaling ka sa pag-kulay, dapat marunong ka rin ng photoshop. Shet, wala ako nun pareho. Background ko lang sa photoshop ay youtube. Pano ba to? Di naman ako lampas-lampas magkulay nung bata ako ah, bakit ang hirap? Hay…Olats ako ngayon. Pero dapat kayanin. Kaya ko to…kaya ko to…kaya ko to.